Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa militar sa Sulu

SUMUKO sa mga tauhan ng militar ang isang miyembro ng teroristang

Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

 

Kinilala ang sumukong ASG member na si Hussin Aranan alyas ‘Friend’,

na kilalang tagasunod ni ASG Sub-Leader Asbi Misuari Alyas Imbo.

 

Kasamang isinuko ni Aranan ang isang M-16 Rifle, magazines at

ammunition.

 

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander B/Gen. Cirilito Sobejana,

ang pagsuko sa gobyerno ay upang mamuhay siya ng normal at

makasama ang kanilang pamilya.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *