Malakanyang, ikinatuwa ang pag-atras ng tigil-pasada ng PISTON  

 

IKINATUWA ng Malakanyang ang desisyon ng Pinagkaisang Samahan

ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na kanselahin ang

dalawang araw na tigil-pasada.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar

matapos i-anunsyo ng PISTON na kanselado na ang kanilang

nationwide transport strike ngayong Disyembre 4-5, 2017.

 

Gayunman, tiniyak ni Andanar na sakaling itinuloy ng PISTON ang

kanilang welga ay may nakahanda namang aksyon dito ang gobyerno.

 

Kahapon ay nagdesisyon si PISTON President George San Mateo

kahapon, kanselahin ang nakatakdang transport strike dahil sa

pakiusap ni Sen. Grace Poe na ikonsidera ang kanilang welga.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *