Hidilyn Diaz, nakasungkit ng 2 medalya sa Int’l Weightlifting

BAGAMA’T hindi gold medal ay nakapag-uwi pa rin si Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz ng dalawang medalya sa 2017 International Weightlifting Federation World Championships sa Anaheim, California.

Nakatanggap ng bronze medal si Diaz sa pagiging third place sa 53 kilogram women’s division.

Nasungkit naman ng three-time Olympian ang silver medal matapos maging second place sa clean and jerk ng 113 kilogram.

Inamin ni Diaz na kailangan pa niyang mag-improve at determinado itong bumalik sa Olympic Stadium.
Sinabi rin nito na naalis ang anumang pagdududa nito sa sarili matapos makatanggap ng dalawang medalya.

 

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *