Gilas Pilipinas, wagi kontra Chinese-Taipei sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

NAKUHA ng Gilas Pilipinas ang ikalawang panalo sa FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos ilampaso ang Chinese Taipei sa iskor na 90-83.

Bumida sa panalo ang 20 puntos ni Jayson Castro habang nagsalpak naman si June Mar Fajardo ng 17 puntos at 8 rebounds.

Dahil sa panalo, tabla na ang kartada ng Pilipinas at Australia sa Group B kung saan parehas silang
mayroong 2-0 win-loss record.

Sa Pebrero 22 ng susunod na taon pa makakasagupa ng Gilas ang koponan ng Australia.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *