Rachel Peters, laglag sa top 5 ng Miss Universe

BIGONG makapasok ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Final
Five
ng Miss Universe 2017.

Pasok sa top 5 ang South Africa; Venezuela; Thailand; Jamaica at Columbia.

Target sana ni Peters na masungkit ang pang-apat na titulo ng Pilipinas
kasunod ni Pia Wurtzbach na kinoronahan noong 2015; Margie Moran noong
1973 at Gloria Diaz noong 1969.

Bagama’t hindi nakapasok sa top 5 ay trending ang Miss Philippines sa social
media
at binati ng mga kababayan sa buong mundo si Rachel para sa
ibinigay nitong karangalan sa bansa.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *