200 pamilya ng dalawang barangay, balik-tahanan na matapos lumikas dahil sa AFP-NPA Clash sa Iligan City

NAKABALIK na sa kanilang mga tahanan ang nasa 200 pamilya mula sa dalawang
barangay na lumikas dahil sa takot na madamay sa engkuwentro sa pagitan ng
militar at New People’s Army sa Iligan City.

Ito ang kinumpirma ni Iligan City Mayor Celso Regencia matapos maitaboy ng
militar ang mga rebeldeng NPA na nasa likod ng pag-ambush na ikinamatay ng
isang opisyal ng sundalo noong Nobyembre 12 sa Barangay Rogongon.

Tiniyak ng alkalde na hindi na basta makapapasok ang mga rebeldeng NPA sa
Barangay Maninit at Rogongon.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *