Pilipinas at New Zealand, lumagda sa education agreement

NILAGDAAN ng Pilipinas at New Zealand ang Memorandum of Cooperation na layong mapagbuti pa ang sistema ng edukasyon sa Southeast Asian Nations.

Pinirmahan ni Commission on Higher Education (CHED) Chairwoman Patricia Licuanan at New Zealand Ambassador to the Philippines David Strachan ang Education Agreement sa kasagsagan ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

Nakapaloob sa memorandum ang comparative analysis ng bachelor’s degrees ng
dalawang bansa.

Ayon kay Duterte, nangangahulugan ito na magkakaroon na ng access ang Pilipinas sa kalidad ng edukasyon sa New Zealand.

Inilarawan din ng pangulo ang kasunduan na isang magandang development.


Bukod sa Education Agreement ay sinabi rin ni Andern kay Duterte na isang “fantastic opportunity” ang plano ng Philippine Airlines na magkaroon ng direct flights sa New Zealand simula sa susunod na buwan.

Una nang sinabi ng Filipino flag carrier na simula sa Disyembre 6 ay magkakaroon na ng nonstop flights mula Manila hanggang Auckland.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *