China, tunay na kaibigan ng Pilipinas—Pang. Duterte

“TUNAY na kaibigan ng Pilipinas ang China.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang opening message sa kanilang bilateral meeting ni Chinese Premier Li Keqiang sa Malakanyang.

Ayon kay Pangulong Duterte, laging handang tumulong ang China gaya na lamang ng pagbibigay nito ng mga armas sa mga sundalo na nakipagbakbakan sa mga teroristang Maute-ISIS  sa Marawi City.

Bukod dito, popondohan din ng China ang ilang public works at konstruksyon ng mga tulay na malaking tulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na balang araw ay babawi ang Pilipinas sa mga kabutihan ng China.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *