MRT-3, dapat sagutin ang mga gastusin ng nahulog na babae sa riles kahapon—Rep.Herrera-Dy

DAPAT umanong sagutin ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang gastusin sa pagpapagamot sa babae na naputulan ng braso matapos na mahulog sa riles ng tren sa Ayala- MRT Station.

Ayon kay Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat sagutin ng MRT-3 ang hospitalization expense at dapat rin nitong bayaran ang nawalang kita sa biktima dahil sa sinapit nito.

Nitong Miyerkules nang malaglag sa pagitan ng dalawang bagon ng tren na umaandar ang biktima matapos na mahilo.

Binigyang-diin naman ng kongresista na dapat higpitan pa ang security at crowd management measure sa mga light rail at railway facilities.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *