Canadian PM Trudeau, hangad na maging kasapi ang Canada ng East Asia Summit

HINAHANGAD ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na maging bahagi ang kanilang bansa ng East Asia Summit.

Sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Canada, sinabi ni Trudeau na handa silang maging bahagi ng tagumpay ng ASEAN at maging bahagi ng East Asia Summit sa pinakamadaling panahon.

Isa ang Canada sa dialogue partner ng ASEAN simula taong 1977 pero hindi pa ito bahagi ng East Asia Summit na isinasagawa taon-taon.

Kinabibilangan ito ng mga bansang miyembro ng ASEAN; China, Japan, South Korea, Australia, New Zealand, United States at Russia.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *