ASEAN chairmanship, ipinasa na ni Pang. Duterte sa Singapore

PORMAL nang isinara sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-tatlumput isang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ipinasa ng pangulo ang ASEAN chairmanship kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.

 

Ilan sa nakamit ng ASEAN Summit ngayon taon ay ang landmark agreement sa karapatan at proteksyon ng mga migranteng manggagawa at kasunduan para sa pagsisimula ng negosasyon para sa code of conduct ng South China Sea.

 

Nabatid na kasabay rin ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas ay ipinagdiwang rin ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng asosasyon.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *