1 katao, patay habang 4 sugatan sa engkuwentro ng MNLF at MILF

PATAY ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang apat na iba pa ang sugatan ng makasagupa nito ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sitio Ambel, Barangay Marbel, Matalam, Cotabato.

 

Kinilala ang napatay na si Tony Polalong na miyembro ng MILF108 base command.

 

Tinukoy ng pulisya ang mga suspek na pinamumunuan ni Abdul Karim Unsil na nakatalaga sa MNLF 15 Council.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na bandang alas-2:30 ng hapon nitong linggo nang magsimulang magkagirian na nauwi sa bakbakan ang magkabilang panig.

 

Kaagad ding nadala sa pagamutan ang dalawang sibilyan na sugatan na sina Jocelyn Tan at Anisa Iman.

 

Sugatan din ang dalawang miyembro ng MILF na sina Francis Imbong Abas at Rasel Naga.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *