Pang. Duterte, tiwala sa magandang direksyon ng ugnayang ASEAN-China sa hinaharap

TIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng positibong direksyon ang ASEAN-China dialogue relations sa hinaharap.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang mensahe sa mga diskusyon sa ASEAN-China Summit.

May ilang dokumento rin na napagkasunduan ang mga lider sa ASEAN-China Summit kung saan chairman si Pangulong Duterte.

Kabilang dito ang ASEAN-China Joint Statement on Comprehensively Strengthening Effective Anti-Corruption Cooperation; Asean-China Leaders ‘Statement on Tourism Cooperation; at Joint Statement Between China and Asean on Further Deepening the Cooperation of Infrastructure Connectivity.

Napagkasunduan din sa pulong na tapusin na ang negosasyon para sa Code of Conduct in the South China Sea matapos makompleto ang framework agreement on code of conduct.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *