Coleen Garcia, nagpaliwanag kung bakit hindi sila dumalo ni Billy Crawford sa wedding ni Anne Curtis

NAPUNO ng maraming bituin sa industriya ng showbiz ang kasal ni Anne Curtis at Erwan Heusaff kamakailan.

 

Pero may nakapansin naman na hindi kasama sa dumalo rito ay ang magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

 

Nagpaliwanag naman si Coleen na pareho silang may trabaho ni Billy sa Maynila kaya hindi sila nakapunta sa wedding ni Anne.

 

Samantala, si Amy Perez naman, na kasamahan rin nila sa TV-noontime show na “It’s Showtime”, ay absent din sa wedding dahil nagbakasyon ito sa Taiwan kasama ang asawa para sa kanilang wedding anniversary.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *