ASEAN Coast Guard Forum, gagawin sa Albay

PUSPUSAN ang paghahanda ng Philippine Coast Guard para sa gaganaping Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN) Coast Guard Forum.

Nakatakdang gawin ang pagpupulong sa Nobyembre 21 at 22 sa Misibis Bay Resort sa Bacacay, Albay.

Ang ASEAN Coast Guard Forum ay dadaluhan ng siyamnapung delegado mula sa mga miyembro ng ASEAN countries kasama na ang Pilipinas.

Inaasahang tatalakayin sa pulong ang maritime issues sa mga ASEAN member nations.

Kabilang dito ang ang Linkage and Cooperation Between ASEAN Member Nations; Training and Capability Buildings among ASEAN Members; Adoption of Maritime And Relative International Conventions and Harmonizations of the Rules of Engagement among ASEAN Coastguard.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *