Triple double record, naitala ni Lonzo Ball

NAKAPAGTALA ng triple double record si Los Angeles Lakers Lonzo Ball.

Ito ay kahit na nilampason sila ng Milwaukee Bucks sa iskor na 98-90.

Nabatid na nakagawa ang 20-anyos ng 19 points, 13 assists at 12 rebounds.

Si Lonzo ang itinuturing na pinakabatang manlalaro na nakapagtala ng triple double sa 15 araw pa lamang niyang paglalaro sa NBA.

Nasapawan niya ang record ni Lebron James noong ito ay 20-anyos kung saan sa 20-araw pa lamang nito sa nba ay nakapagtala ito ng triple double na naganap noong Enero 2005 sa Cleveland Cavaliers.

Dahil dito, buhos ang mga pagbati kay ball mula sa mga fans at kapwa NBA players.

 (Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *