1 pulis patay, 1 sugatan, sa pananambang ng mga rebeldeng NPA sa Masbate

PATAY ang isang pulis habang isa ang sugatan matapos ang pananambang ng
mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay
Buyo, San Fernando, Masbate.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Matthew Galindez Baybayon.

Habang kasalukuyang namang ginagamot sa ospital ang sugatang pulis na si PO1
Edgarde Demingoy.

Ayon sa Police Regional Office Region 5, tinambangan ang tropa ng gobyerno ng
hindi pa mabilang ng mga armadong grupo.

Nabatid na naagaw ng mga salarin ang baril ng mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga armadong kalalakihan.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *