Bagyong Salome, nag-landfall na sa San Juan, Batangas; ilang lugar sa Luzon, nasa Signal no. 2

ITINAAS na sa Signal number 2 ang Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at hilagang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro.

Habang Signal number One naman sa ilang bahagi ng Oriental At Occidental Mindoro, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite at Batangas.

Ito ay matapos mag-landfall sa san Juan, Batangas ang Tropical Depression Salome pasado 8:00 sa Bulsa, sa Bayan ng San Juan, Batangas.

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang paglayag sa mga karagatan at inalerto rin nito ang mga naninirahan sa bahagi ng Central Luzon dahil sa posibleng flash floods at landslides.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *