Unang pagkikita nina Duterte at Trump, inaabangan na

INAABANGAN na ang pagkikita sa unang pagkakataon nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Da Nang, Vietnam.

Dumating na kagabi si Pang. Duterte sa Vietnam habang sa Nobyembre 10 naman darating doon si Trump.

Wala naman nakatakdang formal bilateral meeting ang dalawa sa Vietnam dahil inaasahang mangyayari ang kanilang pormal na pag-uusap sa kasagsagan pa ng ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas.

Una nang inihayag ni Duterte na nananatiling “best of friends ang Pilipinas at Amerika. Ito ay sa kabila ng gumagandang relasyon ng Pilipinas sa Russia at China.

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng bilateral meeting si Duterte kay Russian President Vladimir Lenin Putin sa sidelines ng APEC Summit.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *