Noynoy, kinasuhan sa Sandigan kaugnay ng ‘Mamasapano Massacre’

PORMAL nang sinampahan ng kasong kriminal ng Office of the Ombudsman si Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito sa umano’y naging papel ni aquino sa anti-terrorist operation o oplan exodus na ikinasawi ng apatnapu’t apat na Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Nahaharap si Aquino sa tig-isang count ng paglabag sa section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Official Function as Defined sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code.

Parehong bailable ang dalawang kaso.

Halos 400 SAF troopers ang kasama sa Oplan Exodus sa Mamasapano na isinagawa hating gabi ng Enero 24 noong taong 2015.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *