Negosyanteng si Kenneth Dong, nakalaya na

NAKALAYA na sa mula sa kulungan ang negosyanteng si Kenneth Dong, isa sa mga isinasangkot sa P6.4-billion na halaga ng shabu na naipuslit mula sa China.

Ayon kay John Ungab, abogado ni Dong, ibinasura ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 195 ang kasong rape ni Dong matapos maghain ng Affiadvit of Desistance ang complainant.

Hindi naman malinaw ang rason kaya inatras ng biktima ang nasabing reklamo.

Si Dong ang nagsilbing middleman ng negosyanteng si Chen Ju Long alyas Richard Chen, na may-ari ng bodega kung saan nadiksubre ang droga.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *