Marawi looting, kinundena ng CHR

KINUNDENA ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente ng pagnanakaw ng ilang sundalo sa ilang ari-arian ng mga residente ng Marawi City noong panahon ng giyera.

Kasabay nito, pinuri ng komisyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga sangkot na sundalo.

Matatandaang anim na sundalo ang iniimbestigahan dahil sa pagtangay ng mga gamit sa bahay ng mga residente ng Marawi.

Umaasa naman ang CHR na tutularan ng Philippine National Police(PNP) ang naging hakbang ng AFP at magsagasawa ito ng imbestigasyon sa mga insidente ng patayan na may kaugnayan sa kampanya kontra-droga.

 (Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *