Mahigit 1 milyong drug surenderies sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’, dapat naiparehab—PDEA

SANG-AYON ang Philippine Drug and Enforcement Agency (PDEA) na maisailalim sa drug rehabilitation center ang mga sumusukong nasasangkot sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na droga sa bansa ito ay upang makita ang tuluyang pagbabago ng mga lulon sa ilegal na droga.

Ayon pa kay PDEA Director Aaron Aquino, hindi aniya sapat sa isang surrendered na papipirmahin lamang ng pulisya o barangay at pagsusumbahin saka pauuwiin dahil babalik ito sa paggamit ng bawal na droga Inihalimbawa nito ang 1.3 milyong sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP), pero nang mag wakas ang Oplan Tokhang walang naiparehab at kung meron man ay nasa isa o dalawang porsiyento lamang.

Dapat mandatory na isailalim sa drug rehabilitation center yung 1.3 million surrendered sa PNP para tuluyang tumigil ang mga ito sa paggamit at pagbenta pero ang problema walang intervention sa nangyari sa kanila kaya namamayagpag pa rin ang krimen.

Aniya dapat naiha-highlight ang reformation community base o bahay pagbabago rehabilitation center pero naiintindihan nila ito dahil na overcome ang volume ng mga surrendered subalit dapat magawan na ito ngayon ng paraan.

(Ulat ni Jimmy Mendoza)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *