Miami Heat, natikman ang bagsik ng Golden State Warriors.

TABLA na ang Golden State Warriors at Houston Rockets sa standing sa Western Conference ng NBA regular season.

Parehong walo na ang panalo ng Warriors at Rockets habang tatlo pa lamang ang kanilang talo.

Pinadapa ng Warriors ang Miami Heat sa kanilang paghaharap sa score na 97-80 sa homecourt ng defending champion sa Oracle Arena.

Gumawa ng 21 points, 6 assists, 1 steal at 3 blocks si Kevin Durant at nagambag pa ng 18 points si Draymond Green.

Kumamada naman ng 16 points si stephen curry para sa tagumpay ng warriors.

Sa Miami Heat, umiskor ng 21 points si James Johnson.

Sa iba pang NBA games, pinadapa ng Boston Celtics ang Atlanta Hawks, sa score na 110-107.

Hindi naman sapat ang ginawang 92 points ng Phoenix Suns kontra sa 98 points ng Brooklyn Nets.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *