Bianca King, “very happy” at “feel at home” sa kasalukuyang tv network

“VERY HAPPY” at “feel at home” ang aktres na si Bianca King sa present TV network nito.

Say ng aktres na bagaman “challenging” ay inamin nito ang kasiyahan na kanyang nadarama sa Kapamilya Network.

Natawa pang sinabi ni Bianca na bagama’t isang taon na ito sa network ay nag-a-adjust pa siya at medyo strange pa rin ang place sa kanya dahil naliligaw pa siya hanggang ngayon at hindi niya alam kung saan ang elevator.

Ni-reveal din ng aktres na siya ang pinakamatanda sa casts ng “Pusong Ligaw” dahil mag-tatatlumpu’t dalawang taong gulang na ito.

Kasama ni Bianca sa nasabing show sina Beauty Gonzalez, Joem Bascon, Enzo Pineda, Albie Casiño, Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Nagsimula ang career ni Bianca sa Kapuso Network noong 2004 nang maging parte ng youth oriented show na “Click” at nanatili rito hanggang 2014

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *