6 katao, sugatan sa aksidente sa Plaridel, Quezon

SUGATAN ang anim na katao matapos salpukin ng SUV ang isang owner-type jeep sa Maharlika Highway, Plaridel, Quezon.

Ayon sa mga otoridad, patungong Bohol ang SUV nang salpukin ang nakaparadang owner-type jeep.

Sa tindi ng pagsalpok, tumagilid sa gitna ng highway ang sasakyan at nadurog ang windshield.

Sa imbestigasyon ng Plaridel Police, nasilaw umano ang driver sa ilaw ng isa pang SUV na nakasalubong nito at hindi umano nakita ang owner-type jeep na nakaparada sa gilid ng highway.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *