3 Katao, patay matapos makuryente habang nanghuhuli ng isda sa Isabela

PATAY ang tatlo katao matapos makuryente habang nanghuhuli ng Isdang Hito sa kanilang palaisdaan sa Ramon, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Danilo Basilio, Randy Besa At Ramelito Besa.

Nabatid na nagha-harvest ng Hito sa kanilang palaisdaan ang mga biktima nang masagi ng isa sa kanila ang live wire na hindi sinasadyang bumaba ang linya ng kuryente.

Dead on arrival ang tatlo ng isugod sa ospital dahil sa matinding sunog na tinamo sa kanilang katawan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *