2 Lalaki arestado, makaraang suhulan ng isang milyon ang PDEA

INARESTO ng mga otoridad ang dalawang lalaki na nagtangkang suhulan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kapalit ng pagpapalaya sa naarestong Fil-Am na may-ari ng isang drug den sa Mandaluyong City.

Ayon sa PDEA, nagdala umano ng isang milyong piso sa kanilang tanggapan bilang panuhol ang mga inarestong sina Engr. Felicisimo Aguilar Jr. at Barangay Kagawad Daniel Cajape ng Dinalupihan, Bataan.

Ito ay bilang kapalit ng pagpapalaya sa Fil-Am na kinilalang si Dennis Ray Aguilar Thieke na naunang naaresto sa kaniyang condominium unit sa Mandaluyong City.

Bukod kay Thieke, kasama ring naaresto ang lima pang kasamahan nito na nahulihan ng samu’t-saring mga ipinagbabawal na gamot at drug paraphernalia.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *