Sen. Hontiveros, dudang matatapos ang patayan kahit hawak na ng PDEA ang kampanya laban sa ilegal na droga

Matapos ilipat sa ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pangunguna  sa kampanya ng administrasyon kontra ilegal na droga, nananatiling duda si Senadora Risa Hontiveros na wawakasan na ang kaliwa’t kanang patayan.

Aniya, ‘wag pag-interesan ang mga mahihirap na tulak at gumagamit ng ilegal na droga, bagkus ang dapat puntiryahin ay ang mga malalaking sindikato, drug-lords, mga pasimuno ng drug smuggling at money laundering na may kaugnayan din sa ilegal na droga.

Matatandaang hawak dati ng Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa kampanya ilegal na droga na umani rin ng batikos at nagpaingay maging sa iba’t ibang samahan ng mga bansa sa mundo tulad ng European Union at United Nations, dahil sa libo-libong kataong napatay bunga ng kampanya.

Samantala, wala pang tugon ang Malakanyang sa pahayag ni Pangulong Duterte.

(Ulat ni John Vallada)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *