Pagbaba ng Pilipinas sa latest FIBA ranking, ‘di pinansin ni Gilas Coach Chot Reyes 

 

BALEWALA kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang naging puwesto ng Pilipinas sa pinakabagong ranking na inilabas ng FIBA.

Base sa tala ng FIBA, nalaglag sa ika-30 spot ang bansa ngayong taon mula sa ika-27 spot noong nakaraan, habang nasa ika-5 naman ang Pilipinas sa Asia mula sa 3rd spot.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Reyes ang nangyari noong nakaraang Agosto kung saan nasilat ng Gilas ang Powerhouse Team ng China.

Depensa ni Reyes, nasa panel lang naman daw ang rankings at ang titingnan pa rin naman umano sa huli ay kung paano maglaro ang isang team sa basketball court.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio—Manila)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *