Bautista, tiniyak na walang ‘x-deal’ sa kaniyang pagbibitiw bilang COMELEC chairman

Pinabulaanan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na mayroong “x-deal” o anumang kapalit ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.

Kasunod ito ng mga espekulasyon na kaya siya nagbitiw sa puwesto ay para hindi na ma-impeach at magkaroon ng graceful exit bilang chairman ng COMELEC.

Naniniwala si Bautista, na naging patas ang kamara sa pagbusisi sa reklamo laban sa kaniya na inihain ng kaniyang estranged-wife na si Patricia.

Samantala, tumanggi naman si Bautista na magkomento sa pahayag ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Patricia na mapapadali na ang pagsasampa sa kaniya ng plunder charges dahil mawawala na ang kaniyang immunity.

(Ulat ni: Charlie Nozares)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *