Pondo ng PNP-IAS, gustong padagdagan ni Sen. Poe

Kapag walang isasagawang modernisasyon sa Internal Affairs Service (IAS), hindi magtatagumpay ang Philippine National Police (PNP) na linisin ang hanay ng kapulisan mula sa scalawags na sinasabing umaabot sa 2% ng 180,000 kataong puwersa, ayon kay Senadora Grace Poe.

“Kulang na kulang sa tauhan ang IAS at kakaunti ang kagamitan ng independyenteng tanggapan na inatasang tumugis sa mga pulis na nagtaksil sa kanilang sinumpaang tungkulin at dumungis sa kanilang uniporme,” Pahayag ni Sen. Poe.

Sinabi pa ng mambabatas, na kinokonsidera niyang maghain ng amyenda sa panukalang P135.8-milyong pondo ng IAS para sa taong 2018, nang sa gayon ay magkaroon ito ng pondong pambili ng mga kinakailangang kagamitan para sa epektibo nitong pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Giit ni Poe, Bukod daw sa kakulangan sa tauhan, sinasalanta rin umano ang IAS ng kawalan ng kagamitan mula sa sasakyan hanggang computer at maging sa furniture.

Sinabi ni Poe na umabot lamang sa 342 ang mga silya ng IAS—hindi sapat para sa 704 tauhan nito at 80 contractual personnel na nakatalaga dito.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *