Pangulong Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa ibang mga bansa laban sa NoKor

Nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalaydong bansa ng Pilipinas kaugnay sa hamon na hinaharap ng rehiyon sa ginagawang Nuclear Missiles testing ng bansang North Korea.

Ginawa ng Pangulong Duterte ang pahayag nang bisitahin nito ang Australian Warship, noong Martes sa Port of Manila.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay magsama-sama ang mga bansa sakali man na magkaroon ng nuclear fallout.

Aniya, sinususportahan nito ang mga kaibigang bansa ng Pilipinas tulad ng Australia, Amerika at kahit ang China at Malaysia para ipakita kay North Korean Leader Kim Jong-Un na tigilan na niya ang ginagawang banta sa
seguridad sa rehiyon.

Dagdag pa ng pangulo, na malaki ang papel ng bansang China upang mapigilan ang mga masasamang balak ng NoKor kaya nararapat lamang bantayan ito ng maigi at paghandaan ang mga plano nito.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *