MTPB, muling nagsagawa ng operasyon sa mga ilegal na sasakyang pumapasada sa Maynila

Muling ikinasa ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB), ang operasyon laban sa mga pedicab, kuliglig at tricycle na ilegal na pumapasada sa kahabaan ng Recto patungong sa Divisoria.

Mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga lamang pinapayagan na makabiyahe ang mga kuliglig sa Divisoria para mag-deliver ng mga produkto habang ang mga pedicab at tricycle ay sa secondary road lamang.

Pero pasado 8:00 na ng umaga kanina, sangkatutak pa rin sila sa Divisoria kaya pinagkukumpiska na ang mga ito ng MTPB.

Umabot sa 80 mga pedicab, tricycle at kuliglig ang nakumpiska.

May ilang mga tsuper na nagpakita pa ng orange sticker para hindi raw mahuli na binabayaran daw ng 50-60 pesos.

Pero giit ng MTPB, walang iniisyung orange sticker ang Manila Tricycle Regulatory Office.

Ang operasyon ng MTPB ay para na rin paghandaan ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria ngayong “Ber Months.”

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *