COMELEC Chairman Andres Bautista, nagbitiw sa kanyang puwesto

Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang Commission on Election (COMELEC) Chairman si Andres Bautista.

Sa kanyang inilabas na pahayag, ito na raw ang tamang panahon para bumaba sa kanyang tungkulin, kasabay nang pag-postponed ng Barangay Election na gaganapin sana sa Mayo, 2018.

Dagdag pa niya, nagawa na niya ang kanyang gampanin sa tungkulin bilang chairman ng COMELEC at isa na rito ang naganap na 2016 Presidential Election.

Gayunpaman, pinasasalamatan ni Bautista ang institusyon kasama na ang kanyang mga nakatrabaho rito at umaasa si Bautista na patuloy na pangangalagaan ang mandato at integridad ng komisyon para sa sambayanang Pilipino.

Nanungkulan si Bautista sa COMELEC bilang Chairman noong Abril 28, 2015 nang i-appoint ni Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Samantala, agad namang tinanggap at nirerespeto ng Malakanyang ang kanyang pagbibitiw, na epektibo hanggang sa Disyembre, 2017.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *