5 katao, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Parañaque Police.

Huli ang 5 katao sa Lungsod ng Parañaque sa magkakahiwalay na opersyon ng Philippine National Police (PNP)—Parañaque. Unang naaresto ang isang Edison Arias, 35 anyos at Junior Reynaldo, 19 makaraang itawag sa Parañaque police ng isang concerned citizen na nagsasagawa ng pot session ang mga suspect sa Hontiveros Compound, brgy San Antonio, Parañaque
City.

Nakuha sa ng mga ito ang 1 plastic sachet Na naglalaman ng hinihinalang shabu, 1 sachet ng marijuana, 2 improvise totter, 2 lighters, 2 aluminum foil.

Samantala, isang buy-bust operation naman sa Brgy. Sto Niño, Parañaque City.Naaresto ang mga suspect na sina: Airen Masukat, 21 anyos at Jocelyn Akmad, kung saan nakuha sa mga ito ang 1 plastic sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money.

Habang sa isa pang buy-bust operation sa Baclaran. naaresto rin ang suspeK na si Geraldine Soriano, 37 anyos, kung saan nakuha naman mula dito ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at P300 buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *