Pang-unawa ang kailangan sa pagbaba ng ratings ng pangulo—Malakanyang

Bumaba man ang net satisfaction at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 3rd quarter ng social weather station survey ay naniniwala ang Malakanyang na nagpapatuloy pa rin ang pagsuporta ng karamihan ng mga Pilipino sa kaniya.

Natapos man ang unang taon o ang honeymoon period ng Administrasyong Duterte, ay bumaba naman ang kumpiyansa ng ilan sa mga kababayan natin at naniniwala ang palasyo na marami pa rin ang sumusuporta sa chief- executive dahil mataas pa rin naman ang net satisfaction nito na mula excellent ay very good na lamang sa 3rd quarter ng taon.

Sinabi rin ni Abella, na masyado ring mataas ang inaasahan ng  marami sa mga Pilipino lalo na sa mga ipinangako nito tulad ng pagalis sa kriminalidad, korapsyon at iligal na droga sa ilalim ng kaniyang administrasyon kaya humingi ito ng pang-unawa sa publiko.

Inamin din ng tagapagsalita ng palasyo, na ang insidente ng pagpatay sa mga menor de edad ay nagkaroon din ng epekto kaya bumaba ang kumpiyansa ng ilan sa mga Pilipino sa pangulo.

Gayunpaman, nagbigay ng katiyakan ang malakanyang na nakatutok ang pamahalaan na maibigay ang pangangailangan ng mga Pilipino tulad ng trabaho at tiyaking may pagkain sa bawat hapag-kainan.

Ginawa ang SWS Survey para sa 3rd quarter ng taon noong Set. 23 hanggang 27, 2017, sa isang face-to-face interview ng nasa 1,500 na respondents.

Sa kabila ng pagbaba ng trust at net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ay mayorya pa rin sa mga Pilipino ang nagtitiwala sa kaniya.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *