Pagrerepaso sa isyung ‘gun-control’, panawagan sa mga mambabatas ng US

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nanawagan sa mga mambabatas sa Estados Unidos na bilisan ang pagrepaso sa gun-control.

Ito ay kasunod na rin ng naganap na Las Vegas Massacre, kung saan halos 60 katao ang naiulat na nasawi habang higit 500 naman ang naitalang sugatan.

Ayon National Rifle Association, dapat maglagay ng karagdagang regulasyon sa paggamit ng mga rapid fire device o ang tinatawag na bump-stocks.

Ang rapid fire device ay denisenyo upang ang mga semi-automatic na mga armas ay gumana tulad ng fully-automatic rifles.

Ang bump-stocks device ay una nang napag-alaman na ginamit ng suspek na si Stephen Paddock sa pamamaril.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng ilang mga mambabatas na magsasagawa sila ng pagdinig para sa nasabing pagrepaso ng batas.

Samantala, inaasahang matagal pa bago ilabas ang resulta ng isinasagawangimbestigasyon sa naturang insidente.

Ayon sa Las Vegas Police, walang criminal record si Paddock at kakaunti pa lamang ang kanilang natagpuang ebidensiya sa krimen.

Sa ngayon ay inaalam ng mga otoridad kung nagkaroon ito ng “mental breakdown” kaya nito nagawa ang krimen.

 

 

 

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *