Mga bagong upuan, ipinamahagi ng US sa mga paaralan sa Marawi

Sinimulan na ng Amerika ang pamamahagi ng mga arm-chair sa mga eskwelahan na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.

Ayon sa ipinalabas na impormasyon ng US embassy sa Maynila, naipamahagi na ng US Agency for International Development  (US AID), ang unang batch ng mga upuan sa halos nasa 2,000 estudyante sa 5 eskwelahan sa bayan ng Saguiaran, Lanao Del Sur kung saan naka-enroll ang mga estudyanteng naapektuhan ng krisis sa Marawi.

Tinatayayang nasa 6,500 na arm-chair ang ipagkakaloob mg US AID.

Nitong Setyembre, inanunsyo ng Amerika ang P730-M na tulong para sa relief at recovery ng Marawi.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *