BI, nagbabala sa mga kawani ng NAIA na lumiliban ngayong kapaskuhan

Binalaan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI), ang mga ang kawani  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na iwasan ang pagliliban sa kanilang trabaho sa peak season ng kapaskuhan.

Ito ang naging paalala ni BI Port Operation Division Chief Red Marinas na mabibigyan ng kaukulang parusa ang mga ito sakaling lumiban sila sa panahon ng kapaskuhan kung kailan ang pagdagsa  ng maraming mga pasahero.

Ayon kay Marinas, pinasusumite ang mga pangalan ng immigration employees na madalas lumiban o nahuhuli sa trabaho upang hingan ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng administratibong parusa.

Gayunman, tiniyak ng naturang opisyal na sapat ang kanilang immigration officers na maitatalaga sa paliparan sa kasagsagan ng pagdagsa ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *