Clearing operation ng ‘Task force Clean-up’, isinagawa sa Quiapo

Bahagyang nagkaroon ng kumusyon sa isinagawang clearing operation ng mga tauhan ng Manila Task Force Clean-Up, Manila Traffic Parking and Bureau at MPD sa Evangelista St. Quiapo, Recto Ave. sa lungsod ng Maynila.

Pinagtatangal ng mga grupo ang mga nakahambalang na illegal vendor, mga illegal terminal at hinila ang may halos 60 mga tricycle, pedicab at kuliglig na dahilan ng pagsisikip ng daloy trapiko sa lugar.

Ayon kay Che Borromeo, hepe ng Task Force Clean-up tuloy-tuloy ang isasagawa nilang pagpapaluwag ng lansangan sa lungsod at alisin lahat ng sagabal upang mapaluwag ang daloy trapiko.

Lahat ng mahihilang ilegal na pumapasada sa mga ipinagbabawal na mga lugar ay kukumpiskahin at dadalhin sa in-pounding area sa Manila North Cemetery o sa tagiliran ng Manila Zoo.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *