PNP at LRT-A, lumagda ng MOA para tutukan ang seguridad ng ‘riding public’

Lumagda sa isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at pamunuan ng Light Rail Transit (LRT-2) para maiwasan ang krimen at matutukan ang seguridad at kaligtasan ng mga commuter.

Pinangunahan nina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, NCRPO Director Oscar Albayalde at LRTA Administrator Reynaldo Berroya ang MOA signing.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang paglalagay ng PNP Women’s Desk sa Santolan, Cubao at Recto Station.

Magsasagawa rin ng quarterly drills para ihanda ang mga empleyado, security personnel at maging ang mga commuter sa mga emergency situation.

Libre ring makakasakay ang mga pulis sa LRT-2 kung naka-full uniform at may valid id.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *