Nobyang Pinay ng suspek sa Las Vegas Massacre, ‘person of interest’ pa rin

Itinuturing pa ring ‘person of interest’ ang pinay na si Marilou Danley kaugnay sa Las Vegas Massacre.

Si Danley, ang kasintahan ng suspek na si Stephen Paddock.

Ayon kay Clark County Sheriff Joseph Lombardo, isasailalim nila sa interogasyon si Danley na napag-alamang nasa Japan nang maganap ang masaker.

Malaki aniya ang maitutulong ni Danley para malaman ang motibo ng pamamariln ni Paddock.

Si Danley ay residente sa Australia matapos makapangasawa ng Australian.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *