Barangay Ginebra, wagi sa game 1 vs. TNT Katropa

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa Best-of-Five Semifinals Series ng PBA Governor’s Cup laban sa TNT Katropa nitong Lunes sa iskor na 121-94.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 21 puntos at 8 rebound.

Nagdagdag naman si Joe Devance ng 19 puntos at 16 puntos naman ang idinadagdag ni Greg Slaughter.

Gaganapin ang game 2 ng semifinals series sa Batangas sa darating na Miyerkules.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *