Sen. Hontiveros, kinundena ang paghahain ng ‘ethics complaint’ ni Sec. Aguirre

Mariing kinundena ni Sen. Risa Hontiveros, ang paghahain ng kaso at ethics conplaint ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ayon sa senadora, nais lamang ni Aguirre na malihis ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu patungkol laban sa kanya.

Matatandaang nakunan ng litrato ang text conversation nina Sec. Aguirre at Cong. Paras na sinasabing ipi-pursue ang kaso laban kay Sen. Hontiveros dahil sa umanoy pagiging bias nito sa pagdinig ng senado partikular na sa mga EJK Hearings.

Hindi rin naniniwala si Sen. Hontiveros sa sinasabi nitong bibigyan ng patas na laban gayong ang kaso umano ay isinampa sa prosecutor’s office na nasa ilalim ng kanyang jurisdiction.

Sa huli nanindigan ang senadora, na hindi intensyon na kunan ng litrato ang text conversation nila ni Paras , wala umano siyang nilabag sa batas na Anti-Wire Tapping Law.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *