Mga kumpanya ng NoKor sa China, ipasasara

Nakatakdang ipasara ng China ang lahat ng mga kumpanya ng North Korea na nasa kanilang nasasakupang teritoryo.

Ito ay bilang tugon sa napagkasunduan ng United Nations (U.N.) Security Council na patawan ng mas mabigat na parusa ang Pyongyang dahil sa patuloy na isinasagawang missile test.

Ayon sa China Commerce Ministry, maliban sa pagpapasara ng mga kumpanya, ay ipinahinto na rin ng china ang pag-aangkat ng mga tela at langis sa kaalyadong bansa.

May 120 araw na itinakda ang China Commerce Ministry para maipasa ang resulosyon sa pagpapasara sa anumang kompanya ng North Korea na nasa kanilang teritoryo.

Nakatakda namang ipatupad ang naturang sanction sa Enero, ng susunod na taon.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *