Arzaylea, may pagtanggi sa mga pahayag ni Sen. Pacquiao

“I definitely didn’t engage in conversation with him first…”

 

Ito ang sagot ng U.S. social media sensation na si Arzaylea Rodriguez sa naging pahayag ni boxer-politician Sen. Manny Pacquiao, hingil sa viral comment nito sa live video ng naturang American personality.

 

Ayon kay Arzaylea, hindi siya ang naunang nakipag-usap kung di si Pacquiao.

Aniya, nakita niya lamang ang komento ng pambansang kamao sa live video chat kaya niya ito binati.

 

Matatandaan na una nang sinabi ni Pacquiao na binati siya ni Arzaylea ng makita nitong isa siya sa mga nanunuod sa live video dahilan kaya ito nagkomento sa naturang video chat.

 

Gayunpaman, hindi naman malinaw kung ano ang sinabi ni Arzaylea bago o pagkatapos ng mensahe ng pambansang kamao.

 

Iginiit naman ni Pacquiao na walang malisya sa pakikipagpalitan niya ng mensahe kay Arzaylea.

 

Samantala, maliban naman kay Arzaylea, naiulat din ang pakikipag-chat ni Pacquiao sa American vlogger na si ria chiuffo, na may Instagram account na @chicksintheoffice.

 

Makikita sa screencaps ang mga sumusunod na mensahe ni pacquiao: “hello”, “yes its me thank you”, “i’m fine thank you”, at “you can call me anytime”.

 

Sa isang panayam, agad naman itong nilinaw ni Pacquiao ang mensahe nitong “you can call me anytime” ay sagot niya sa vloggers na nais siyang kapanayamin para sa isang radio station sa New York.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *