Sen. Trillanes, maghahain ng ‘ethics complaint’ at ‘plunder’ laban kay Sen. Gordon

Posibleng sa susunod na linggo ay ihahain na ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ethics complaint laban kay Sen. Sen. Richard Gordon.

Ayon sa senador, inihahanda lamang nito ang reklamo at pinag-aaralan pa ng kanyang abogado.

Ngunit inilahad ni Trillanes na hindi lamang ethics complaint ang ihahain nito laban kay Gordon kung di plunder case sa Ombudsman.

Ayon kay Trillanes ito ay may kaugnayan sa pagiging chairman ni Gordon sa Philippine Red Cross.

Matatndaang nag-ugat ang alitan ng dalawang senador nang tawaging komite de abswelto ni Trillanes ang Senate Blue Ribbon Committee sa isinagawang pagdinig kaugnay sa P6.4-B halaga ng shabu mula sa China.

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *