Kris Aquino, may buwelta sa nagsasabing ‘bading’ si Bimby

Inalmahan ng TV host/actress na si Kris Aquino ang pagbatikos ng isang netizen sa kanyang bunsong anak na si Bimby kung saan tinawag itong “bading”.

Ayon sa tinaguriang Queen of all Media, wala siyang isyu sa sexual preference kanino man pero kung idinadawit na rito ang kanyang anak ay hindi niya ito papalampasin.

Pinayuhan nito ang naturang basher ng kanyang10-year-old son na ihayag ang saloobin sa ibang paraan at ‘wag sa comment section ng kanyang IG post.

Una rito, tinawag na“gay” ng user na nagngangalang Natalie ang anak ni Kris sa dating asawang si James Yap.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *