Kalamansig, Sultan Kudarat, niyanig ng lindol

 

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat.

Naitala ang lindol sa 29 na kilometro ng timog-kanluran ng kalamasig, kaninang 7:22 ng umaga.

Ayon sa PhiVolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na anim na kilometro.

Naramdaman ang intensity 4 sa Kalamansig at Lebak sa Sultan Kuadarat habang intensity 3 sa Lake Sebu, South Cotabato.

Wala naman naitalang pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *